10 June 2009

Not for everybody, for the wide-mind only

Maselang Bagay Ang Sumuso Ng Burat


Maselang bagay ang sumuso ng burat
Baka hindi mo magustuhan kaagad,
Huwag kang basta-basta mandadakma sa dilim
Kung ayaw mong masubo sa alanganin.
Huwag rin naman sanang magsisinungaling
Sa sariling nakakaalam ng hilig,
Gumagamit ng sukatang panlipunan
Nang hindi iniisip ang pinagmulan.


Maselang bagay ang sumuso ng burat
Hindi parang kaning madaling iluwat.
Dapat tama ang pagkakahugis ng bibig
At walang tulis ng ngiping sumasabit
Bukas din dapat ang daang-lalamunan
Para kung sumagad ay di mabubulunan.
Pag hindi pa siya napaungol sa sarap,
Baka naman ang pinapaltos mo'y sapsap.
Maghanap na lang ng ibang maturingan
Hitik ng sirena ang ating lipunan.


Maselang bagay ang sumuso ng burat
Hindi dapat iniaalok sa lahat.
At di totoo ang mga sabi-sabi
Na darang ang pag-ibig ng lakambini.
Kung ang hamak na pastol na katulad ko
Ay nakatagpo ng guwapong binatilyo.
Habang naglalakad sa may tabing-ilog,
Kinudlit niya ang gulok ng aking libog.
Matapos ang mainit na espadahan
Nagsumpaang wagas sa lilim ng buwan.


Maselang bagay ang sumuso ng burat
At langit ang makahanap ng katapat.
Mag-iiwan sana ng munting habilin
Payo lang naman, huwag sanang dibdibin
Ang marubdob at itim na paninira
Gawa ng santo-santong paniniwala.
Sapagkat ang sukatan ng pagkatao
Wala sa dunong, kulay o astang pabo.
Nasa pagkabusilak, pagkadakila
Ng tunay na pagmamahal sa kapwa.


Maselang bagay ang sumuso ng burat
Iyan ang kailangang malaman ng lahat,
Walang dahilang itago't pandirihan
Bumangon sa dilim aking kaibigan!


(seen this in the internet, worth reposting, author unknown)

1 comment:

  1. Ang nagsulat ito ay si Nicolas Pichay. Ang tula na ito sa kasama sa koleksyong "Ang Lunes na Mahirap Bunuin", na nanalo sa Palanca Awards noong 1992 at nailathala rin.

    ReplyDelete