08 December 2010

Kapag Sinabi Ko Sa'yo

This folk song by Gary Granada cuts through classes, age and gender. I heard of it when I was active in campus journalism way back in college. This ballad sings not of unconditional love, but one that is true and genuine, love with conditions and limits; Because people are limited by their status, by time, by opportunities, by society. This song is not superficial but one that really says what love is. Isang pag-ibig na nakalapat sa lupa ngunit kayang itawid sa langit.


Para sa isang tao mula sa aking nakaraan. Salamat sa Kanya, sa panahon at oras na pinahiram Niya. Nakakalungkot hindi ko siya pwedeng sabihin ang tunay nyang pangalan. Paalam Ysabelle, pinakamahalaga ang iyong mga ngiti.



Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal

Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal

At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan

O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan


Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig

Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig

Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan

Dala-dala kahit saan, pang-araw-araw na pasan


Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak

Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak

Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot

Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot


Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta

Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata

Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan

Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan


Halina't ating pandayin isang malayang daigdig

Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo

Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo.



From her recent messages, she was neither happy nor elated with the post (originally from my FB account). Nevertheless she can never ever agree with what I feel. No she denies everything that has transpired as if history can just be neglected or erased that easy.


You can hear the audio from this link.

http://www.youtube.com/watch?v=lAWVrLlXEG8

No comments:

Post a Comment