This folk song by Gary Granada cuts through classes, age and gender. I heard of it when I was active in campus journalism way back in college. This ballad sings not of unconditional love, but one that is true and genuine, love with conditions and limits; Because people are limited by their status, by time, by opportunities, by society. This song is not superficial but one that really says what love is. Isang pag-ibig na nakalapat sa lupa ngunit kayang itawid sa langit.
Para sa isang tao mula sa aking nakaraan. Salamat sa Kanya, sa panahon at oras na pinahiram Niya. Nakakalungkot hindi ko siya pwedeng sabihin ang tunay nyang pangalan. Paalam Ysabelle, pinakamahalaga ang iyong mga ngiti.
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Dala-dala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo.
From her recent messages, she was neither happy nor elated with the post (originally from my FB account). Nevertheless she can never ever agree with what I feel. No she denies everything that has transpired as if history can just be neglected or erased that easy.
You can hear the audio from this link.